NATIONAL AMNESTY COMMISSION, BINIGYAN NA NG AWTORIDAD NI PBBM NA MAG-ISSUE NG SAFE CONDUCT PASS SA MGA AMNESTY APPLICANTS
- Diane Hora
- Nov 8, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Binigyan na ni Pangulong Ferdinand Marcos ng awtoridad ang National Amnesty Commission na mag-issue ng Safe Conduct Pass para sa mga amnesty applicants.
Inaprubahan ito ng Pangulo sa 6th Executive Committee meeting ng NTF-ELCAC ngayong araw.
Ibinahagi rin ni NAC Chair Atty. Leah Tanodra Armamento ang impormasyon sa isinagawang Press Briefing ng Presidential Communications Office kasama ang NTF-ELCAC, NAC, OSG at AFP
Comments