top of page

Negosyante, patay sa pamamaril sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Kinilala ang biktima na si Julficar Sabay Makakena, residente ng Labu-Labu, Shariff Aguak.


Naganap ang pamamaril ala 5:30 ng hapon, araw ng Lunes, April 28 sa barangay Poblacion.


Base sa imbestigasyon ng otoridad, sakay ng motorsiklo ang biktima at pauwi na umano sa kanilang bahay ng mangyari ang pamamaril.


Tatlong basyo ng bala mula sa hindi matukoy na baril ang natagpuan ng otoridad sa crime scene.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page