top of page

OPAPRU Sec. Carlito Galvez Jr., nakipagpulong sa mga miyembro ng BTA Parliament sa pagbisita nito sa bagong halal na Speaker Mohammad Yacob

  • Diane Hora
  • Oct 27
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nakipagpulong si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga miyembro ng BTA Parliament sa pagbisita nito sa bagong halal na Bangsamoro Parliament Speaker Mohammad Yacob


Sa kanilang pag-uusap, tinalakay ng mga opisyal ang mga hakbang para palakasin ang partnership sa pagitan ng national government at Bangsamoro government upang mapanatili ang mga tagumpay ng peace process.


Muling tiniyak ni Galvez ang patuloy na suporta ng national government sa Parliament sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Yacob.


Pinuri rin niya ang Parliament sa ipinapakitang political maturity at commitment sa inclusive governance, at sinabing nasaksihan niya mismo kung paano nag-evolve ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) mula nang ito ay maitatag.


Tinalakay din sa pulong ang pag-usad ng legislative priorities ng Parliament, lalo na ang mga panukalang batas na layuning mag-institutionalize ng mga reporma at palakasin ang regional autonomy.


Sinabi naman ni Speaker Yacob na nananatiling committed ang regional legislature na makipagtulungan sa lahat ng sektor para isulong ang mga layunin ng Bangsamoro peace process.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page