top of page

Oplan Hajj 2025 ng MOTC, matagumpay kung saan 1, 174 pilgrims ang inalalayan ng ministry para sa maayos na travel experience mula sa iba’t ibang paliparan sa Mindanao

  • Diane Hora
  • 17 hours ago
  • 1 min read

IMINDSPH



Mula May 15 hanggang June 14, nakatutok ang MOTC BARMM partikular ang

Bangsamoro Airport Authority at Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro o CABB sa pagbibigay ng essential logistical, emotional, at spiritual support sa mga pilgrims sa ilalim ng Oplan Hajj 2025.



Tiniyak ng ministry ang maayos na travel experience ng 1,174 pilgrims mula sa

Cotabato Awang, Sanga-Sanga, Davao, General Santos, Laguindingan, at Zamboanga City airport.



Pinakamaraming pilgrims ang umalis patungong Mecca ang dumaan sa Cotabato Awang Airport.


Bukod sa transportation support, hatid din ng MOTC BARMM ang medical kits, nourishing meals, at religious materials.


Ang Oplan Hajj ay taunang isinasagawa ng MOTC BARMM sa pamumuno ni

Minister Paisalin Tago.

 
 
 

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page