top of page

P1,115,812.00 halaga ng suspected shabu, nasamsam ng PDEA 12 sa buy-bust operation sa Purok Waya-waya, San Emmanuel, Tacurong City, Sultan Kudarat

  • Teddy Borja
  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Mahigit isang milyong piso na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa buy-bust operation ng PDEA 12 sa Tacurong City. Arestado rin sa operasyon ang dalawang indibiwal.


Kinilala ang mga naaresto sa alyas na "Tomboy" 31-years old, residente ng Dinaig, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte at alyas “Pongs” 23 years old, residente ng Purok Ilang-Ilang, Barangay Buenaflor, Tacurong City.


Isinagawa ang operasyon January 14 sa Purok Waya-waya, Barangay San Emmanuel ng syudad.


Isinilid ang iligal na droga sa apat na plastic sachets na tumimbang ng 9.56 grams at 154 grams.


Nasa kustodiya na ng Tacurong City Police ang mga naarestong indibidwal at nakuhang ebidensiya para sa proper disposition.


Ang operasyon ay inilunsad ng pinagsanib na pwersa ng Tacurong City Police sa pakikipagtulungan ng Sultan Kudarat Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, PDEA-Sultan Kudarat Police Office.as.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page