P1.36 million halaga ng suspected shabu, nasamsam ng otoridad sa buy-bust operation sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Sur; HVI, arestado sa operasyon!
- Teddy Borja
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nakumpiska ng mga elemento ng Drug Enforcement Unit-PRO BARM ang 1.36 million pesos na halaga ng suspected shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Arestado sa operasyon ang isang 35-anyos na High Value Individual.
Isusumite na sa PNP RFU-BAR ang nakuhang suspected shabu para sa laboratory analysis.
Tumitimbang ito ng halos 200 gramo na isinilid sa apat na medium-sized sachets.
Ikinasa ng otoridad ang operasyon alas 10:15 ng umaga, araw ng Huwebes, April 17 sa Barangay Pigkalagan.
Kinilala ang naarestong High Value Individual na si alyas “Abdullah”, 35-anyos.
Narekober din ng otoridad ang marked money, counterfeit bills, motorsiklo, dalawang empty .45 caliber shells, at damaged bulletproof.
Nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat MPS ang naarestong suspek. Isasailalim ito sa mandatory booking, medical examination, at drug testing.
Comments