iMINDSPH

Handog muli ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBAG ang sampung milyong piso na tulong para sa pagpapahusay pa ng healthcare services sa Maguindanao Provincial Hospital.

Mahigit sampung libong pasyente na ang natulungan ng programa sa pagamutan mula sa kabuuang limampung milyong piso na pondo na nailaan sa ospital.

Itinurn over ng AMBAG ang sampung milyong piso na tulong pinansiyal sa Maguindanao Provincial Hospital para sa healthcare support sa pagamutan.

Isa sa mga partner hospitals ng AMBAG ang Maguindanao Provincial Hospital. Simula nang ipatupad ang programa sa pagamutan, umabot na sa kabuuang limampung milyong piso ang naiturn over ng pondo sa ospital at 10,698 na mga pasyente na ang natulungan.
Ayon sa mga kawani ng ospital, malaking tulong ang programa hindi lamang sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan kundi pati na rin sa pagpapaunlad pa ng kanilang pasilidad.
Ang AMBAG ang isa sa mga flagship programs ng tangapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim para sa mga mamamayang Bangsamoro.
Comments