P12.1M halaga ng iligal na droga, napasakamay ng mga elemento ng PNP PRO 11 kung saan 343 na drug personalities ang naaresto sa 291 police operations na ikinasa
- Teddy Borja
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Umabot sa P12.1 million pesos na halaga ng iligal na droga ang napasakamay ng PNP PRO 11 sa buong buwan ng Abril kung saan 343 drug personalities ang arestado sa 291 police operations na ikinasa.
Sa 12,176,932.39 na kabuuang halaga ng mga iligal na droga na nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 11-
P12,037,314.44 dito ay mula sa 1,770.1933 gramo ng shabu na nakumpiska, 1, 111.8202 na gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng PHP 133,418.42; at 31 marijuana plants na nagkakahalaga ng PHP6,200.00.
Sa 343 na drug personalities na naaresto, 69 dito ang High Value Individuals, at 274 naman ang Street-Level Individuals.
Commentaires