iMINDSPH

21.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 144,840 pesos ang nasamsam ng otoridad sa General Santos City sa inilunsad na Search Warrant Operation araw ng Huwebes sa Zone 1, Block 0, Barangay Fatima.
Isinilid naman ang suspected shabu sa limang plastic sachet.
Nakatakas naman ang target sa operasyon.
Dinala agad sa himpilan ng Police Station 7 ng GSCPO ang mga nakuhang ebidensiya para sa proper disposition.
Kasama ng General Santos City Police Office sa operasyon ang 1201st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion, Regional Intelligence Division 12, Gensan Maritime Police Station; at 5th Special Operations Unit (SOU) Maritime Group
Comments