P2M halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng NBI at PNP sa joint anti-smuggling operation sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte; 2 indibidwal, arestado sa operasyon!
- Teddy Borja
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ang mga nakumpiskang ipinuslit na sigarilyo ay isinilid sa isang daang kahon.
Nasabat ito alas 2:45 ng madaling araw, April 25, sa Barangay Dinaig Proper.
Ang dalawang indibidwal na naaresto sa operasyon ay pawang mga residente ng Jolo, Sulu.
Ayon sa otoridad, lumabag ang mga ito sa Section 3601 ng Tariff and Customs Code ng P.D. 1464, Section 254 ng National Internal Revenue Code o R.A. 8424 at Sections 10-11 ng Graphic Health Warning Law o R.A. 10643.
Nasa kustodiya na ng NBI-BARMM ang mga kontrabando para sa proper disposition.
Comments