P3.6 million pesos smuggled cigarettes, napasakamay ng otoridad sa Kalamansig, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Jan 17
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay din ng otoridad ang 3.6 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes mula sa inabandonang van.
Dalawang daang at dalawampung kahon ng assorted brands ng smuggled cigarettes ang nakumpiska ng otoridad sa inabandonang van sa Sitio Babangkaw, Barangay Paril, Kalamansig, Sultan Kudarat, a-13 ng Enero.
Ayon sa Kalamansig Municipal Police, nagkakahalaga ito ng 3,678,000.00 pesos.
Dinala ng otoridad sa Kalamansig MPS ang van at laman nitong smuggled cigarettes para sa proper documentation.
Itinurn over naman ito sa Bureau of Customs Sub-Port sa General Santos City para sa proper disposition at dagdag pang imbestigasyon.
Comentarios