top of page

P3.8B PROPOSED BUDGET NG MSSD BARMM PARA SA TAONG 2025, APRUBADO NA NG COMMITTEE ON FINANCE, BUDGET AND MANAGEMENT

  • Writer: LERIO BOMPAT
    LERIO BOMPAT
  • Nov 8, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH



Lusot na sa lebel ng Committee on Finance, Budget, and Management ng BTA ang proposed P3.9 billion budget ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) para sa susunod na taon.



Mas mataas ito ng P62 million mula sa initially proposed P3.8 billion.



Ang dagdag sa pondo ay ilalaan para pondohan ang professional services para sa Special Geographic Area (SGA), incentives para sa mga centenarians, infrastructure projects para sa mga orphanage center sa Lanao del Sur at Bahay Pag-Asa facility sa Tawi-Tawi, gayundin ang establishment ng water system sa Parang, Maguindanao del Norte.


Ilan sa mga key programs na binigyang diin ng ministry ay ang Disaster Risk Reduction and Emergency Assistance Program, na magbibigay ng life-saving assistance at rehabilitation sa Bangsamoro constituents na na-displaced ng armed conflict, clan feuds, at natural disasters.


Bahagi rin ng pondo ang funding para sa ReFS program, para matulungan ang Filipino migrants returning mula Malaysia, lalo na ang mga taga Tawi-Tawi, sa kanilang transition pabalik ng Pilipinas.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page