P8.2 million pesos smuggled cigarettes, nasamsam ng otoridad sa COMELEC checkpoint sa Tantangan, South Cotabato; 3 smugglers, arestado!
- Teddy Borja
- Jan 17
- 1 min read
iMINDSPH

8.2 million pesos naman na halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam ng otoridad sa pinaigting ng COMELEC checkpoint. Arestado rin ang tatlong smugglers.
7,650 reams ng ipinuslit na sigarilyo ang nasamsam ng otoridad sa COMELEC checkpoint sa Purok Saranay, New Cuyapo, Tantangan, South Cotabato, a-15 ng Enero.
Lulan ng dump truck ang mga smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng 8,216,000.00 nang mapigl sa checkpoint.
Nang siyasatin, bigo ang tatlong lalaki na sakay ng truck na makapagpakita ng kaukulang dokumento.
Kinilala ang mga ito sa alyas na “Ricky”, 28-anyos, alyas “Charles” 29 taong gulang at alyas “Antonio” 23 years old, pawang residente ng General Santos City.
Haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act.
Katuwang ng Tantangan Municipal Police sa paghuli sa tatlong indibidwal at pagkakasamsam ng mga smuggled cigarettes ang 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Division 12 at CIDG 12 sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs 12.
Comments