Paggamit ng Membership Cards ng mga kandidato at Party List bilang election propaganda, ipinagbabawal na ng COMELEC
- Diane Hora
- Apr 25
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinagbabawal na ng COMELEC sa lahat ng kandidato at party list ang paggamit ng Membership Cards bilang election propaganda .
Ito ang inilabas na impormasyon ng COMELEC sa kanilang facebook page.
Ayon sa Komisyon, ang paggamit ng Membership Cards bilang election propaganda na isinasaad sa COMELEC Minute Resolution No. 25-0179 ay tinanggal na.
Ang pag amyenda ay isinagawa ng Commission En Banc sa pamamagitan ng Minute Resolution No. 25-0438.
Ito ay matapos ikonsidera ang potential abuse at unauthorized na paggamit ng nasabing cards upang lusutan ang election laws.
Comments