Pagkuha ng libreng gamot sa Project Management Office ng Project TABANG, itinakda tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes mula 8-11:30AM at 1:30-5PM
- Diane Hora
- Oct 27
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinaapalam ng Project Management Office ng Project TABANG na tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ang araw ng pagkuha ng libreng gamot sa kanilang tanggapan.
Mula alas 8:00 ng umaga hanggang 11:30 ng tanghali at ala 1:30 hanggang ala 5:00 ng hapon.
Sundin lamang ang mga kinakailangang requirements upang makakuha ng libreng gamot mula sa Office of the Chief Minister, sa pamamagitan ng Project TABANG.
Magtungo sa kanilang tanggapan, Project Management Office (PMO) na matatagpuan sa DPA Building, Notre Dame Avenue, Rosary Heights 2, Cotabato City.



Comments