Pagtatayo ng Virology at Vaccine Institute of the Philippines, suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr
- Diane Hora
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suporta para sa patuloy na pagtatayo ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) sa isang pulong kasama ang Department of Science and Technology.

Binanggit ng Pangulo na mahalaga ang proyekto at tiniyak na hahanapan ng sapat na pondo upang maiwasan ang mga pagkaantala.

Ayon kay PBBM, ang VIP ay mahalaga hindi lamang para sa kalusugan ng tao, kundi pati na rin para sa mga hayop at halaman bilang bahagi ng paghahanda laban sa mga posibleng pandemya. Ito ang ibinahaging impormasyon ng Presidential Communications Office.
Humiling ang Department of Science and Technology ng pondo para sa proyekto upang maiwasan ang delays at structural deterioration ng VIP Administration Building.
Sinabi ito ng pangulo sa pulong sa pagitan ng DOST para talakayin ang 2025 budget ng ahensiya at ang mga programa at proyekto ng tanggapan.
Sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na hindi kasama sa 2025 national expenditure program ng Department of Public Works and Highways ang VIP.
Pero tiniyak ng Pangulo na hahanapan ito ng pondo.
Nangangailan ng P680 million na pondo para sa VIP upang maisakatuparan ang plano kabilang na ang development ng vaccines para sa tao, hayop at halaman.
Comentarios