top of page

Pangkabuhayan package, kambing, medical consultation, libreng gamot, at libreng pagproseso ng birth certificate, senior citizen at PWD ID, hatid ng LGU DOS sa mga residente ng Barangay Tapian

  • Diane Hora
  • Jan 14
  • 1 min read

iMINDSPH


Buena manong handog pasasalamat ng LGU Datu Odin Sinsuat ngayong bagong taon ang pagtungo muli sa Barangay Tapian hatid ang iba’t ibang serbisyo para sa mga residente.



Umarangkada muli ang clinic on wheels ng lokal na pamahalaan handog ang libreng konsultasyon at gamot.



Happy new year talaga dahil sa masayang drawlots, ilang residente ang nag uwi ng Livelihood Package tulad ng Sari-sari Store starter kit at mga Kambing.



Bagong bisikleta rin ang tinanggap ng mga bata.



Sa pagtutulungan ng programang Solid DOS Medical Outreach Program at ALAGANG DOS Foundation ay tinanggap ng mga residente ang bigas, groceries at vegetables. Nagkaroon ng feeding program at pamamahagi ng tsinelas at loot bags para sa mga bata.



Hatid din ng SOLIDO DOS ang libreng serbisyong pangkalusugan at libreng gupit sa mga residente na libre ring nakapagproseso ng kanilang birth certificate, senior citizen at PWD identification cards.



Kasabay din nito ay ang orientation ng MSWO-DOS patungkol sa VAWC o Violence Against Women and their Children's Act.



Ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay isang flagship program ng Lokal na Pamahalaan na inisyatibo ng alkalde.


Layunin ng programa na mailapit ang serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa mga Barangay sa Datu Odin Sinsuat.


Pinangungunahan ito ni Mayor Lester Sinsuat at Vice Mayor Sajid Sinsuat.


Ang aktibidad ay naging posible sa pakikipagtulungan ng ALAGANG DOS FOUNDATION sa pamumuno ni ALAGANG DOS FOUNDATION President Former Mayor Cherly Mary Rose Ann Lu-Sinsuat, 25th Marine Company ng Marine Battalion Landing Team 5.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page