Panukala na naglalayong magsagawga ng plebesito sa Sulu para pagbotohan kung nais nilang bumalik sa BARMM o kung gusto nilang tuluyan ng humiwalay sa rehiyon, inihain ni Senator Miguel Zubiri
- Diane Hora
- Jan 17
- 1 min read
iMINDSPH
Ang pagkakatanggal ng Sulu sa Bangsamoro region ayon kay Senator Miguel Zubiri ay malaking dagok sa maraming residente na aniya ay umaasa sa suporta ng Bangsamoro government.
Maraming empleyado, kasama na ang mga public school teachers, ang apektado sa nangyaring ito ayon pa sa Senador.
Sayang dagdag ng Senador na ngayon pa natanggal ang Sulu sa BARMM, kung kailan aniya umaarangkada na ang ekonomiya ng rehiyon.
Upang hindi aniya mapag iwanan ang probinsya ng Sulu, naghain ang mambabatas ng panukala na magsasagawa ng plebisito para bigyan ang Sulu ng pagkakataon na pagbotohan kung nais nilang bumalik sa BARMM, o kung gusto nilang tuluyan nang humiwalay.
Bilang dati nang bahagi ng ARMM, malaki aniya ang papel ng Sulu sa pagkamit ng awtonomiya ng Muslim Mindanao. Nais ng Senador na kilalanin itong muli bilang bahagi ng rehiyon.

Kommentarer