PANUKALANG BATAS NA MAGPAPALIBAN SA PAGSAGAWA NG KAUNA-UNAHANG PARLIAMENTARY ELECTION SA BARMM SA 2025, ISINUSULONG SA SENADO
- Diane Hora
- Nov 4, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Bagamat nagsimula na ang paghahain ng COC para sa mga kakandidato sa 2025 BARMM Parliamentary Election, Itinutulak naman sa Senado ang panukalang batas na nagpapaliban sa kauna-unahang parliamentary election sa BARMM.
Sinabi ni Senator Chiz Escudero sa isang panayam na siya mismo ang author ng panukalang batas. Isasagawa aniya sa araw ng Huwebes ang hearing hinggil dito.
Ilan sa mga tinukoy na dahilan ng mambabatas ay ang desisyon ng Supreme Court kung saan hindi na kabilang sa BARMM ang lalawigan ng Sulu.
Apektado aniya sa usaping ito ang 7 parliamentary districts, mga party list group at sectoral organizations.
留言