top of page

Payong-payong driver, patay matapos barilin sa Buluan, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • Jun 11
  • 1 min read

iMINDSPH



Patay ang isang payong-payong driver matapos pagbabarilin sa barangay Poblacion ng bayan.


Kinilala ang biktima na si alyas “Tats”, 43 taong gulang at residente ng Datu Paglas, Maguindanao Del Sur.


Ayon sa Public Information Officer ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office na si PCPT Guiseppe Tamayo, binaril ang biktima habang sakay ng kanyang multicab.


Dinikitan umano ito ng isang motorsiklo at pinagbabaril.


Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit ideneklara itong dead on arrival ng kanyang attending physician.


Apat na basyo ng bala ang narekober sa crime scene na isusumite sa Regional Forensic Unit para sa eksaminasyon.


Sa ngayon blangko pa ang awtoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng nasa likod ng krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page