Php 1,904,000.00 halaga ng iligal na droga, nasamsam ng otoridad sa buy-bust sa Banga, South Cotabato; 3 indibidwal, kabilang na ang 1 babae, arestado sa operasyon
- Teddy Borja
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Halos dalawang milyong piso na halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa Banga, South Cotabato.
Arestado sa operasyon ang tatlong indibidwal kabilang na ang isang 25-anyos na babae.
Kulong ang 30-anyos na si alyas “Ken-Ken”, 25-anyos na si alyas “Len-Len” at 25 years old na si alyas “Toto” sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa San Vicente, Banga, South Cotabato, 14 ng Enero.
Nakuha sa operasyon ang malaking plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.
Tumitimbang ito ng 280 grams at may standard drug price na 1,904,000.00
Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay isinumite na sa Provincial Forensic Unit 12 para sa Laboratory Examination.
Ang mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya na ng Banga Municipal Police.
Ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng mga elemento ng Municipal Drug Enforcement Unit ng Banga MPS at iba pang law enforcement unit at koordinasyon sa pagitan ng PDEA 12.
Comments