PNP PRO BAR, PINABULAANAN ANG ALEGASYON NG “BACKER AT BAYARAN SYSTEM” SA RECRUITMENT PROCESS NG 2024 PATROLMAN/PATROLWOMAN ATTRITION QUOTA NG PRO BAR
- Diane Hora
- Nov 4, 2024
- 2 min read
iMINDSPH

Naglabas ng official statement ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region kung saan mariing pinabubulaanan ang alegasyon hinggil sa umano’y “backer at bayaran system” sa kasalukuyang recruitment process ng Calendar Year 2024 Patrolman/Patrolwoman Attrition Quota ng PRO BAR.
Binigyang diin ng Regional Director, PBGEN ROMEO J MACAPAZ, na walang basehan ang mga alegasyong ito, ayon sa heneral ang PNP recruitment process ay competitive at hindi simpleng “fail or pass” lamang.
Gayunpaman, ipinag-utos na rin ni PBGEN MACAPAZ sa Regional Investigation and Detection Management Division (RIDMD) na bantayan at imbestigahan ang mga alegasyong ito.
Ipinaparating din ng PRO BAR sa publiko na ang Regional Recruitment and Selection Process (RRSU) BAR ay may sinusunod na Implementing Guidelines and Timeline for PRO BAR CY 2024 Patrolman/Patrolwoman Attrition Recruitment Program, at hindi basta bastang gumagawa ng mga hakbang na hindi naaayon sa guidelines.
Pinapaalalahanan ng PNP PRO BAR ang mga aplikante, mga magulang at mga kamag-anak, na ang recruitment process ay "Competitive". Ibig sabihin, hindi umano sapat na pasado lamang ang isang aplikante sa isang activity/procedure.
May ranking anila ang bawat stage ng recruitment process, kinakailangan ay mataas ang makuhang marka at higitan ang nakararami para mapabilang sa susunod na activity/procedure dahil iilan lamang ang maaaring magpatuloy sa next stage. Sa bawat hakbang ay nababawasan ang bilang ng maaaring magpatuloy.
Halimbawa, ayon sa PNP PRO BAR, mula sa higit 2000 applicants sa first stage kung saan sinusukat ang Body Mass Index (BMI) at Physical Agility Test, ang first 500 applicants na may matataas na marka lamang ang maaaring magpatuloy para sa Psychiatric and Psychological Examination (PPE).
Sa susunod na hakbang ay mababawasan na naman ang bilang ng mga aplikante hanggang sa matira na lamang ang 250 strong and qualified applicants na manunumpa at mapapabilang sa hanay ng mga pulisya.
Ang prosesong ito ay mabusisi, pinaghandaan, at pinagplanuhang maigi ng mga kinauukulan ayon sa PRO BAR
Comentarios