top of page

Poblacion 1 at Kalanganan 1, Cotabato City at Mother Kabuntalan, may bagong barangay hall at multipurpose buildling mula sa tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura

  • Diane Hora
  • Jan 13
  • 1 min read

iMINDSPH


Pormal nang itinurn over ng tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura ang bagong barangay hall sa Poblacion 1, Cotabato City sa pamumuno ni Kapitan Mohammad Mangelen.



Bagong barangay hall din ang kaloob ng mambabatas sa Lower Taviran, Mother Kabuntalan.



Taos pusong nagpapasalamat ang alkalde ng bayan Datu Salaban Diocolano sa proyektong ibinigay ng kongresista.



Samantala, itinurn over na rin ng opisyal ang proyektong multipurpose building sa Barangay Kalanganan 1, Cotabato City.



Ayon sa representante ng Maguindanao del Norte, magagamit ang gusali hindi lamang ng mga residente ng naturang barangay kundi pati na rin ng mga mag-aaral ng isang madrasah sa lugar.



 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page