iMINDSPH

Sa ibinahaging datos ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, mula Setyembre hanggang Oktubre a-11, 2024-
3 ang aniya’y posibleng kaso ng diphtheria na naitala ng Cotabato City Health Office. 2 ang pumanaw at ang pangatlo ay kasalukuyang ginagamot at minomonitor.
Dalawa sa tatlong pasyente ayon sa social media post ng alkalde ay hindi nakatanggap ng Pentavalent Vaccine na proteksyon laban sa diphtheria, tetanus, pertussis, hepatitis B, at Haemophilus influenza type B.
Patuloy ang isinasagawang pagbabakuna at pagmonitor ng Cotabato City Health Office upang makontrol at hindi na dumami pa ang kaso ng diphtheria sa syudad.
Pinaalalahanan din ng city health ang lahat ng mga magulang na sundin ang schedule ng bakuna ng kanilang mga anak upang mabigyan sila ng sapat na proteksyon laban sa mga sakit.
Ang dipterya ay isang malubhang impeksyong bacterial. Maaari mo itong makuha mula sa isang taong may impeksyon at umuubo o bumahin. Maaari ka ring makakuha ng impeksyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa isang bagay, tulad ng isang laruan, na mayroong bakterya.
Comments