Probisyon hinggil sa fees at charges ng mga kooperatiba, public transportation, maritime transportation, edukasyon at public works, hinimay ng Ways and Means Committee sa pagpapatuloy ng deliberasyon
- Diane Hora
- Jan 17
- 1 min read
iMINDSPH

Isinapinal na ng Bangsamoro Parliament Ways and Means Committee ang deliberasyon sa sampung artikulo mula sa Title III, sakop ang chapters 2 at 3 ng proposed Bangsamoro Revenue Code sa ikatlong araw ng diskusyon sa Maynila.

Sa chapters na ito, napapabilang ang usapin sa fees at charges ng mga kooperatiba, public transportation, maritime transportation, edukasyon at public works.

Sinabi ng Ministry of Finance, Budget, and Management, ang Bangsamoro Treasury Office at ang Bangsamoro Airport Authority ay nakakolekta ng P928 million mula sa Domestic Passenger Service Charge na ni-remit ng Philippine Airlines.

Ang diskusyon ay pinangunahan ni Deputy Speaker Omar Yasser Sema, kung saan binigyang diin nito ang kahalagahan ng masusing paghimay sa Title III ng proposed measure.

Dagdag nito na ang pagpapatupad ng regional fees at charges ay pagtutulungan ng maraming ministries at agencies, na nangangailangan ng detailed at collaborative approach upang matiyak na patas at mabisa.
Ang proposed Bangsamoro Revenue Code na binubuo ng labing isang titulo, ay magre-regulate ng levy, assessment, at collection ng lahat ng regional taxes, fees, at charges, gayundin ang administration ng iba pang regional revenue sources at tax expenditures.
Comments