Proclamation rally ng Team Angas at Team Agila sa Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur, dinagsa
- Diane Hora
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dinagsa ng mga taga suporta ang isinasagawang proclamation rally ng Team Angas at Team Agila, araw ng Lunes, Abril a-28 sa munisipyo ng Sultan sa Barongis.

Buo ang ipinakitang pagsuporta ni reelectionist Governor Bai Mariam Mangudadatu kasama ang kanyang running mate sa pagka bise gobernador Datu Benzar Ampatuan, reelectionist Congressman Mohammad Tong Paglas, mga board members at mga kandidato sa bayan na pinangunahan ng reelectionist mayor Allandatu Angas, vice-mayoral candidate at sampung kandidato sa pagkakonsehal.

Dito inilatag ang mga plataporma ng bawat isa at ang kanilang maibibigay para sa ikabubuti ng probinsya.

Comments