PROJECT TABANG, NAMAHAGI NG BIGAS, FOOD PACKS SA 5 BAYAN AT 1 SYUDAD SA BASILAN, MARAWI CITY, AT SULTAN KUDARAT; GAMOT, HEALTHCARE KITS, AT WHEELCHAIRS IPINAMAHAGI NAMAN SA RHU-DINAS NG ZAMBOANGA DEL
- Diane Hora
- Nov 29, 2024
- 2 min read
iMINDSPH

Namahagi ang Project TABANG ng bigas, food packs sa dalawang libo’t tatlong daan na residente mula sa iba't ibang barangay ng Mohammad Ajul, Lantawan, Sumisip, Tipo-Tipo, Al-Barka, at Lamitan City sa Basilan.

Sinimulan ang distribusyon mula November 19 hanggang 28. Ito ay pinangunahan ng Provincial Coordinating Team sa ilalim ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB program, at ng Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies, and with Special needs o HOMES program ng PROJECT TABANG.

Katuwang ng programa sa pamamahagi ng isang libo at anim na raang sako ng tig-25 kilos ng bigas ang tanggapan ni MP Dan Asnawie, MP Jan Jakilan, MP Mosber Alauddin, at MP Hatimil Hassan.

Isang libo, siyam na raan at siyam na pung sako ng tig-25 kilos ng bigas naman na may kasamang food packs ang ipinamahagi ng Project TABANG sa Barangay Kapantaran, Marawi City, Lanao del Sur, araw ng Miyerkules at Huwebes, November 27 at 28.

Ang nasabing distribusyon ay ipinamahagi sa mga Markadz, Madrasah, at iba pang community members sa probinsya na pinangunahan ng Provincial Coordinating Team sa pamumuno ni Provincial Coordinator Jamael Ilupa.

Labing walong sako ng tig-25 kilos ng bigas na may kasamang corned beef, kape, dried fish, at mantika naman ang ipinaabot ng Project TABANG sa mga pamilya at residenteng apektado ng baha sa Brgy. Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Isinagawa ito araw ng Huwebes, a-28 ng Nobyembre, na pinangunahan ng Rapid Reaction Team o RRT sa pamumuno ni Project Manager Abobaker Edris.

Namahagi rin ang Health Ancillary Services ng mga gamot, healthcare kits, at wheelchairs sa Rural Health Unit ng Dinas, Zamboanga del Sur kahapon, araw ng Huwebes, November 28.

Ito ay pinangunahan ni Sittie Majadiyah Omar, at ng mga kawani nito, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng bayan, sa ilalim ng Access to Health Opportunities, and Development o AHOD program.
Ang mga programang ito ay sa ilalim ng opisina ni Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, sa pamamagitan ng Project TABANG.
Comments