PROPOSED BUDGET NG BPDA NA P175M PARA SA TAONG 2025, APRUBADO NA NG COMMITTEE ON FINANCE, BUDGET, AND MANAGEMENT
- Diane Hora
- Nov 5, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Bumaba ng 17.32% o P30 million ang proposed budget ng Bangsamoro Planning and Development Authority o BPDA para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng P175 million mula sa P206 million budget allocation nito ngayong taon.

Paliwanag ni BPDA Director General Mohajirin Ali ang pagbaba ng kanilang proposed fund ay bunsod ng matagumpay na key feasibility studies, kabilang ang mga proyekto para sa domestic airports sa Basilan at Sulu, gayundin ang Parang water system sa Maguindanao del Norte.

P115 million mula sa proposed budget ang ilalan sa pagsuporta sa socio-economic planning, policy development, investment initiatives, at monitoring and evaluation programs.
Sakop din ng pondo ang Bangsamoro Economic Development Council o BEDC at consulting services na nakatutok sa feasibility studies na makakapagbigay ng impactful policies at projects sa buong rehiyon.
Siniguro naman ni Director Ali sa mga residente ng Sulu na patuloy itong makakatanggap ng suporta sa bagong pondo para sa technical assistance at project monitoring sa probinsya.
Ang BPDA ang nagsisilbing planning, coordinating, at monitoring agency para sa lahat ng development plans, policies, at projects ng Bangsamoro government, na halos kahalintulad ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Comments