Puganteng babae at lalaki mula Siquijor, na nahaharap sa kasong child abuse, arestado ng awtoridad sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- Jun 11
- 1 min read
iMINDSPH

Unang inaresto ng mga tauhan ng Sultan Mastura Police Station, ang puganteng babae, alas 3:15 ng hapon, araw ng Lunes, June 9 sa Barangay Macabiso ng bayan sa tulong ng Enrique Villanueva Municipal Police, Siquijor Police Provincial Office at Police Regional Office Negros Island Region o PRO NIR.

Ito ay sa bisa ng standing warrant of arrest sa kasong paglabag sa Section 10 ng Republic Act 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ang warrant ay inisyu ng Presiding Judge ng RTC Branch 46, 7th Judicial Region, Larena, Siquijor, na may petsa na March 10, 2016.
Php 80,000.00 ang itinakdang piyansa ng korte sa kaso.
Ala 5:45 naman ng hapon nang maaresto ang lalaking pugante sa parehong lugar.
Nahaharap ito sa multiple criminal charges at kasong paglabag Republic Act No. 7610, Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Nasa kustodiya na ng Sultan Mastura Municipal Police Station ang mga naarestong indibidwal para sa dokumentasyon.
Comments