Pulis, na sugatan matapos maka-engkwentro ang mga armado sa national highway ng Isulan, Sultan Kudarat, nagpapagaling na sa pagamutan
- Teddy Borja
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Nagpapagaling na sa pagamutan si Police Senior Master Sergeant Jenathan Wagia, ang pulis na naka-engkwetro ng mga armado sa gitna ng mahigpit na implementasyon ng checkpoint operations sa Isulan, Sultan Kudarat ilang minuto bago ang nationwide COMELEC Gun Ban.

Alas 11:30 ng gabi, araw ng Linggo nang mangyari ang insidente sa National Highway, Barangay Impao, Isulan, Sultan Kudarat.

Nakaganti ng putok ang pulis at napatay nito ang isa sa mga suspek. Isinugod agad sa Isulan Provincial Hospital si PSMS Wagia.
Comments