top of page

Regional Learners' Health Assessment and Screening (LHAS) Program at 51st Nutrition Month Celebration inilunsad ng MBHTE BARMM sa Kabutoyen Elementary School sa Upi, Maguindanao del Norte

  • Diane Hora
  • 6 minutes ago
  • 2 min read

iMINDSPH



Sa temang “Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!” binigyang diin ng MBHTE ang kahalagahan ng accessible at tamang nutrition bilang pangunahing karapatan lalo na ng mga school-aged children.



Araw ng Miyerkules, June 2, 2025 nang ilunsad ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education(MBHTE) sa tulong ng Ministry of Health (MOH) at ng Local Government Unit ang Regional Learners' Health Assessment and Screening (LHAS) Program at 51st Nutrition Month Celebration sa Kabutoyen Elementary School sa Upi, Maguindanao del Norte.



Kabilang sa programa ang health-focused activities, medical at educational sessions at nutrition advocacy na dinaluhan ng mga mag aaral, magulang, guro, health professionals at mga lokal na opisyal.


Nakatanggap naman ng libreng health services sa ilalim ng Regional Learners' Health Assessment and Screening (LHAS) Program ang 210 learners mula Kindergarten hanggang Grade 1 ng Kapilit Elementary School, Blensong Elementary School, F. Besas Elementary School, and Kabutoyen Elementary School.


Kabilang sa mga serbisyong medikal ang nutritional assessments, vision at hearing screening, dental evaluations, physical at mental health checks at health history intake.


Hinihikayat rin ng inityatiba na magpatala sa PHILHEALTH ang mga magulang para masiguro ang holistic na pangangalaga at maagang kalaaman sa mga health concerns.


Ang programang LHAS ay region-wide na inisyatiba para sa taunang health check ups para sa lahat ng BARMM learners na sumasalamin sa commitment ng ahensyang inclusive, learner-centered education na sumusuporta sa total well-being ng bawat Bangsamoro child.


Ang programa ay dinaluhan ng mga MBHTE officials, Bureau Director for Basic Education Johnny Balawag, Bureau Director for Indigenous Peoples Education Judith Caubalejo, at Schools Division Superintendent ng Maguindanao del Norte Alma Abdula-Nor kasama ang mga opisyal galing sa Ministry of Health, Chief of the Nutrition Division Celia C. Sagaral, ang Health and Nutrition Team, and iba pang key officials.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page