Sapatero sa GenSan, arestado sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad; Php 55,720.00 halaga ng shabu, nasamsam sa operasyon!
- LHBK
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado si alyas “Balong”, 49 anyos, isang sapatero at residente ng Barangay Labangal Extension.
Nakuha mula sa suspek ang 18 heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, na may kabuuang timbang na mahigit kumulang 8.2 gramo at may street value na mahigit kumulang Php 55,720.00.
Narekober din ng mga awtoridad ang Php 1,000.00 bill na ginamit bilang buy bust money.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Police Station 6 General Santos City para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Comentarios