top of page

Solido DOS, tuloy sa paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan, legal services, at pangkabuhayan sa mga residente ng bayan

  • Diane Hora
  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH



Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng Ginhawa Program at Solido DOS Medical Outreach Program ng pamahalaang lokal ng Datu Odin Sinsuat sa pamumuno ni Mayor Datu Lester Sinsuat at Vice Mayor Datu Sajid Sinsuat.



Tinungo ng LGU ang mga residente ng Barangay Badak hatid ang libreng konsultasyon at libreng gamot sa clinic on wheels.



Namahagi muli ng Livelihood Package tulad ng Sari-sari Store starter kit, mga Kambing at mga bisikleta.



Daan-daang residente din sa Barangay BADAK ang nabigyan ng

● FOOD PACKS laman ang bigas at groceries

● VEGETABLE SEEDS

● FEEDING Program, SLIPPERS at LOOT BAGS para sa mga bata at

● FREE Hair Cut naman ang handog ng 25th Marine Company, MBLT-5.



Hindi lang yan, hatid din ng LGU ang kaalaman hinggil sa VAWC o Violence Against Women and their Children's Act.


Nabigyan din ng pagkakataon ang mga residente na maka-avail muli ng


● FREE Application of Birth Registration, Senior Citizen, Solo Parent at PWD ID.


Ang Solid DOS Medical Outreach Program: Handog pasasalamat ni Mayor Datu Lester Sinsuat ay isang flagship program ng Lokal na Pamahalaan na inilunsad sa Barangay LINEK noong October 2022.


Ito ay inisyatibo ng alkalde na may layuning mailapit ang mga serbisyo ng Lokal na Pamahalaan sa mga Barangay ng Datu Odin Sinsuat.


Ang aktibidad ay naging posible sa pangunguna ng LGU-DOS sa pakikipagtulungan ng BLGU-BADAK sa pamumuno ni Datu Dodie Sinsuat, ALAGANG DOS Foundation sa pamumuno ni Former Mayor Cherly Mary Rose Ann Lu-Sinsuat, 25th Marine Company, MBLT-5 1LT Ar-Gemar S Hassan, RMFB14-A Platoon Leader PLT Joopee Gilbuena, Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page