top of page

SOUTH COTABATO, TINANGGAP ANG SILVER AWARD MULA SA ANTI RED TAPE AUTHORITY BILANG TOP 5 MULA SA 860 NA SINURVEY NA GOVERNMENT AGENCIES PAGDATING SA ANTI-RED TAPE COMPLIANCE

  • Diane Hora
  • Nov 5, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Tinanggap ng South Cotabato Provincial Government ang Silver Award mula sa Anti Red Tape Authority.


Ito ay matapos kinilala bilang Top 5 mula sa 860 surveyed government agencies sa buong bansa pagdating sa Anti-Red Tape Compliance.


Mula sa 860 government agencies na isinailalim sa assessment, 296 dito ang national government agencies, 135 ang state universities at colleges, 154 ang government-owned and controlled corporations, 25 ang government hospitals, 200 ang LGUs, at 50 ang local water districts.


Binigyang diin ng parangal ang dedikasyon ng pamahalaang panlalawigan sa mga prinsipyo na naayon sa Republic Act No. 11032, the Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Services Act of 2018.


Patunay lamang ito ayon sa pamahalaang panlalawigan ng patuloy na pagsusumikap ni Governor Reynaldo Tamayo Jr, na mapadali ang proseso, mapababa ang bureaucratic hurdles, at magbigay ng de kalidad na serbisyo sa publiko.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page