Suporta sa magsasaka pinalakas ng LGU Sultan Mastura; MAFAR, namahagi ng tulong sa mga kooperatiba sa bayan
- Diane Hora
- 23 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggap ng mga magsasaka sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte ang tulong mula sa MAFAR tulad ng fertilizer.
Tiyak umano na tataas pa ang kanilang ani at mas magiging mabisa ang pagsasaka.
Ayon sa LGU, bahagi ito ng tuluy-tuloy na hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang lokal na sektor ng agrikultura at tiyaking may konkretong suporta ang mga magsasaka sa antas-komunidad.
Para sa mga benepisyaryo, ang tulong na ito ay hindi lamang dagdag-gamit sa bukid, kundi patunay na may gobyernong handang makinig at umalalay. Sa Sultan Mastura, anila malinaw ang mensahe: kapag pinalakas ang magsasaka, pinalalakas din ang kabuhayan at kinabukasan ng buong komunidad.



Comments