Supreme Court, naglabas ng TRO sa limang election cases na nagbababawal sa COMELEC na ideklara ang 2 kandidato sa pagka Senador at Kongresista na nuisance candidates
- Diane Hora
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH
Sa General Registry No. 277177, naglabas ang KorteSuprema ng TRO na nagbabawal sa COMELEC na ideklara si Subair Guinthum Mustapha bilang isang nuisance candidate para Senador sa halalan 2025.
Sa G.R. No. 277514, naglabas ang KorteSuprema ng TRO na pumipigil sa COMELEC na ideklara si Charles Savellano bilang isang nuisance candidate para sa posisyon ng Ilocos Sur's 1st District Representative sa halalan 2025.
Sa G.R. No. 277540, ang Korte Suprema ay naglabas ng TRO na pumigil sa pagpapatupad ng COMELEC Resolution na naging hadlang kay Chito Bulatao Balintay, isang miyembro ng indigenous peoples ng Zambales, na maghain ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka-gubernador ng Zambales sa halalan 2025.
Sa G.R. No. 277608, naglabas ang Korte Suprema ng TRO na nagbabawal sa COMELEC na idiskwalipika si Edgar R. Erice bilang kandidato para sa Kinatawan ng 2nd District ng Caloocan sa halalan 2025.
Sa G.R. No. 277719, naglabas ang Korte Suprema ng TRO na nagbabawal sa COMELEC na kanselahin ang certificate of candidacy ni Florendo De Ramos Ritualo Jr. para sa Sangguniang Panlungsod Member ng 1st District ng San Juan City sa halalan 2025.
Comments