Suspek sa Yellow Bus Bombing sa Tulunan, Cotabato noong 2001 at nahaharap sa kasong murder, arestado ng otoridad matapos isilbi ang 2 warrants of arrest
- Teddy Borja
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang suspek na si alyas “Tasly”, residente ng Barangay Midpandacan, General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur.
Inaresto ito alas 3:30 ng hapon, Abril a-28 sa Barangay Badak ng bayan.
Ang unang warrant of arrest sa kasong murder, ay inisyu ng RTC Branch 15, Shariff Aguak, Maguindanao.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kasong Murder at Multiple Frustrated Murder na inisyu naman ng RTC Branch 23, Kidapawan City, North Cotabato.
Wala ring inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Si alyas “Tasly” ang suspect sa Yellow Bus Line bombing incident sa Tulunan, North Cotabato noong January 27, 2021, na nagresulta sa pagkasawi ng isang fruit vendor at pagkasugat ng tatlong pasahero.
Kabilang ito sa No. 7 Regional Most Wanted Person ng PRO BAR at No. 6 Provincial Most Wanted Person sa Maguindanao del Sur Police Provincial Office.
Hawak na ngayon ang suspek ng CIDG Maguindanao PFU para sa documentation at proper disposition.
Comments