top of page

Tindero ng gulay sa Polomolok, South Cotabato, arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga; P348K na halaga ng suspected shabu, narekober ng awtoridad mula sa suspek

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Tiklo ang isang 62 years old na tindero ng gulay dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Wajab”, residente ng General Santos City.


Ikinasa ang operasyon alas 4:50 ng hapon, a-23 ng Mayo.


Narekober mula sa suspek ang labindalawang heat sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu.


Ito ay may timbang na mahigit-kumulang 51.2 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php 348,160.00.


Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang isang libo at pitong pekeng one thousand bill na ginamit bilang buy bust money, kasama ang iba't ibang personal na gamit ng suspek.


Agad dinala sa Polomolok Municipal Police Station ang naarestong suspek at mga nakuhang ebidensiya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page