iMINDSPH

Napasakamay ng PNP PRO BAR ang Top 6 Most Wanted Person ng Lanao del Sur na Top 1 Most Wanted Person sa municipal level nang isilbi ang Warrant of Arrest laban dito sa kasong murder.
Isinagawa ang operasyon a-26 ng Oktubre sa Barangay Dimapatoy, Bubong, Lanao del Sur. Ayon sa PNP PRO BAR, nagkaroon ng palitan ng putok sa pagsisilbi ng Warrant of Arrest matapos umanong manlaban ang target sa operasyon.
Sugatan ang suspek na agad namang dinala sa pagamutan.
Nakuha mula sa posesyon at kontrol ng suspek ang isang M16 A1 rifle na may Serial No. RP25260; tatlong Metal M16 Magazine; dalawang short Metal M16 Magazine; labing anim na rounds ng M16 Ammunition; at Fifteen empty shells ng M16 rifle.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Bubong MPS, Poonabayabao MPS, PIDMU LDSPPO, at 1ST PMFC, sa pakikipagtulungan ng Camp Sakba Sumiyangka, Assiddique Satellite, 7th Brigade Inner Defense GHG Base Command, M.I.L.F Camp Saifullah.
Inihahanda na ng Bubong MPS ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RPC art. 248 o at Murder, R.A 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition laban sa suspek.
Comments