top of page

TRAINING PARA MAPAHUSAY ANG PAGTUGON SA MGA KASO NG TOXIC SUBSTANCE EXPOSURE, SNAKEBITES AT MARINE ENVENOMATION, IKINASA NG MOH BARMM REGIONAL POISON CONTROL PROGRAM

  • Diane Hora
  • Nov 5, 2024
  • 2 min read

iMINDSPH



Nagkasa ng dalawang araw na pagsasanay ang Ministry of Health Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Regional Poison Control Program upang mapahusay pa ang medical response at management skills para sa mga kaso ng toxic substance exposure, snakebites, at marine envenomation.



Ang two-day training session, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Cotabato Regional and Medical Center Toxicology Unit at Southern Philippines Medical Center Poison Treatment and Control Institute ay naglalayon na mapaunlad ang community healthcare delivery sa pamamagitan ng pagkakaroon ng medical practitioners na may critical skills at kaalaman hinggil dito.



Itinuro sa mga healthcare providers ang emergency poison management, pagamit ng antidotes, emergency stabilization techniques, at best practices sa paggamot ng venomous stings at kagat.


Ito ang layunin ng paglulunsad ng Cotabato Regional and Medical Center ng toxicology unit ng pagamutan na tutugon sa mga poison cases at toxic substance exposures na bahagi ng hakbang.


Sa toxicology unit ng CRMC, kayang i-administer ang emergency treatments, kabilang ang antidotes tulad ng activated charcoal, sodium bicarbonate o baking soda, at demulcents, kasama ang specialized treatments tulad ng vinegar at mainit na tubig para sa marine stings.


Patunay ito ng kapasidad ng CRMC na tumugon sa mga poison emergencies at envenomations na may on-site expertise.


Tutugunan rin ng programa ang peligro sa snakebites, na hanggang ngayon ay nananatiling severe public health issue sa rural areas.


Ang asya ay isa sa mayroong highest snakebite mortality rates sa buong mundo, na abot sa 15,000 hanggang 55,000 fatalities kada taon.


Bilang bahagi ng educational outreach, ilan sa mga ibinahaging key guidance hinggil sa snakebite first aid ay ang sumusunod


Tandaan anong itsura ng ahas na gumagat, Manatiling kalmado at iwasan ang sobrang paggalaw, Linisin ang sugat at takpan ito ng loose bandage, at madaliin ang pagdala sa pasyente sa pagamutan


Iwasan na hiwain ang kagat o subukan na sipsipin ang venom, Huwag lagyan ng tourniquet, ice o bawang ang kagat, Huwag bigyan ng alcohol o gamot ang nakagat, Huwag nang patagalin ang pagdala sa pasyente sa ospital


Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa poison management and envenomation treatment, Maaring tumawag sa CRMC Toxicology Unit hotline number na 09534909908.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page