top of page

Tricycle driver, sugatan matapos barilin sa Pandag, Maguindanao del Sur

  • Teddy Borja
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Kinilala ang biktima na si Abbie Bekang, 54-anyos na residente ng Barangay Puya, Datu Paglas, Maguindanao del Sur.



Naganap ang pamamaril alas 9:30 ng umaga, Abril a-30 sa National Highway, Sitio Mamalinta, Barangay Kayaga, Pandag, Maguindanao del Sur.



Sa imbestigasyon ng otoridad, sakay ng motorsiklo ang biktima ng barilin ng mga suspek.


Agad isinugod sa pagamutan ang biktima.


Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang isang basyo mula sa di matukoy na baril.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad para matukoy ang mga suspek. Inaalam pa ng otoridad ang motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page