UBJP candidates sa Maguindanao del Norte, hinikayat ang mga mamamayan ng probinsya na lumabas at bumoto sa halalan sa Mayo
- Diane Hora
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Mainit ang pagtanggap ng mga supporters ng UBJP sa Northern Kabuntalan sa kanilang mga kandidato sa probinsya ng Maguindanao del Norte.

Tinungo ng grupo, araw ng Lunes ang Northern Kabuntalan partikular sa Barangay Paulino Labio.

Pinangunahan ito ni gubernatorial candidate Datu Tucao Mastura, vice gubernatorial candidate Datu Marshall Sinsuat kasama si reelectionist Congresswoman Bai Dimple Mastura at kanilang mga board member.
Hinihikayat ng mga kandidato ng UBJP ang lahat ng botante sa probinsya na huwag matakot, lumabas sa araw ng eleksyon at bumoto dahil isa ito aniya sa mga karapatan ng bawat Pilipino.
Comments