UMABANTE NA SA SECOND READING
- Diane Hora
- 7 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tututukan ng BTA Bill No. 21 ang paglikha ng tanggapan sa Bangsamoro Human Rights Commission na tututok sa pagdokumento at pag imbestiga ng human rights violations na naganap mula 1968 hanggang 2019.
Umabante na sa second reading ang proposed measure na iniakda ni Deputy Speaker Atty. Laisa Alamia.
Habang ang isa pang bill na itinutulak nito sa BTA Parliament ay ang panukala sa pagtatatag ng Regional Transitional Justice and Reconciliation program.
Tutugunan aniya ng programa ang historical injustices, human rights violations, at iba pang grievances ng Bangsamoro people.
Nanawagan ang opisyal sa kapwa nito mambabatas na suportahan ang dalawang proposed measure na maipasa ito bago magtapos ang transition period.
Comments