top of page

Umano’y vote buying base sa video na kumakalat sa social media, iniimbestigahan na ng PNP PRO BAR; Mga mapatunayan na nagpapakalat ng maling impormasyon o fake news, mananagot sa batas ayon sa PNP PRO

  • Teddy Borja
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa inilabas na opisyal na pahayag ng PNP PRO BAR, mahigpit na kinukondena ng pamunuan ang anumang uri ng pandaraya sa eleksyon at muling pinagtibay ang paninindigan nito sa pagtaguyod ng malinis, tapat, at mapayapang halalan.


Ayon sa PNP PRO BAR, Bilang Kasapi ng Regional Committee on Kontra Bigay, katuwang ang Commission on Elections, kasalukuyan anilang nagsasagawa ng masusing beripikasyon at imbestigasyon ang kanilang pamunuan kaugnay sa isang video na kumakalat sa social media hinggil sa isang diumano’y vote buying na naganap.


Nakikipag-ugnayan na umano sa COMELEC ang PNP PRO BAR upang matiyak na ang imbestigasyon anila ay alinsunod sa umiiral na mga batas at regulasyon ng COMELEC.


Pinapaalalahanan din ng PRO BAR ang publiko na sinumang mapatunayang nagpapakalat ng mga maling impormasyon o fake news na may layuning guluhin ang eleksyon ay mananagot sa batas.


Hinihikayat din ng PRO BAR ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon o ebidensya na maaaring makatulong sa kasalukuyang beripikasyon at imbestigasyon.


Hinihimok rin ng PNP PRO BAR, ang sinumang may hawak ng sapat na ebidensya ng anumang paglabag sa Batas Pambansa Blg. 881 o Omnibus Election Code na magsampa ng kaukulang reklamo o kaso sa tanggapan ng COMELEC.


Makakaasa anila ang publiko na mananagot sa batas ang sinumang mapatunayang lumabag sa mga patakaran at batas na ipinatutupad ng COMELEC at ng PNP para sa malinis, tapat, at mapayapang halalan 2025.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page