top of page

UNDASPOT 2024 O DRUG TEST SA MGA KONDUKTOR AT DRIVER NG MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, IKINASA NG PDEA BARMM AT BLTFRB NG MOTC BARMM

iMINDSPH


Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office BARMM ang UNDASPOT 2024 o ang drug test sa mga driver at konduktor ng mga pampublikong sasakyan sa lugsod ng Cotabato na bahagi ng paghahanda para sa UNDAS.



Kasama ng PDEA BARMM sa UNDASPOT ang Ministry of Transportation and Communications - Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board (BLTFRB) at iba pang Law Enforcement Agencies sa mga pangunahing terminal at transit hubs sa Cotabato City.



Bahagi ito ng paghahanda ng taunang paggunita ng All Saint's Day at All Soul's Day na naglalayon na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga manlalakbay sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga driver at konduktor ng pampublikong sasakyan ay malaya sa impluwensya ng mga ipinagbabawal na gamot.


Sa inaasahang dagsa ng mga pasahero, nilalayon ng operasyon na maiwasan ang mga insidenteng may kaugnayan sa iligal na droga, upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at maayos na serbisyo sa transportasyong panlupa sa panahon ng paggunita ng UNDAS

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page