Usapin hinggil sa permits, licenses, at agreements para sa mga industriya tulad ng mining, forestry at fisheries, tinalakay sa patuloy na deliberasyon ng Committee on Ways and Means
- Diane Hora
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Usapin hinggil sa permits, licenses, at agreements para sa mga industriya tulad ng mining, forestry at fisheries ang binusisi ng Ways and Means Committee ng BTA Parliament sa patuloy na deliberasyon ng proposed Bangsamoro Revenue Code.

Ito ay sa ilalim ng Title III ng proposed measure.

Nilalayon ng panukala na mailatag ang environmental enhancement fee para pondohan ang mga hakbang hinggil sa environmental protection at rehabilitation sa buong rehiyon.

Binigyang diin ni Deputy Speaker Omar Yasser Sema na nanguna sa diskusyon na maging balanse ang fiscal measures at environmental responsibility.

Nilinaw din sa deliberasyon ang pagkakaiba ng taxes, fees, at charges upang maiwasan ang kalituhan sa implementasyon ng proposed regulations.
Magpapatuloy pa ang deliberasyon ng komite hinggil sa panukalang batas.
Comments