ZCPO, ginawaran ng P300K ng local government ng Zamboanga City bilang pagkilala sa kanilang pagsusumikap sa pagkaka aresto ng mga suspek na sangkot sa iba’t ibang shooting incidents sa syudad
- Teddy Borja
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Iginawad ni Zamboanga City Mayor John Dalipe sa pamunuan ng Zamboanga City Police Office ang tatlong daang libong piso bilang pagkilala sa kanilang pagsusumikap sa pagkaka aresto sa mga suspek na sangkot sa iba’t ibang shooting incidents sa syudad.

Kabilang na dito ang neutralization ng dalawang suspek sa Barangay Ayala ng lungsod.

Laan ang 300,000 pesos para suportahan ang mga operasyon ng ZCPO at pagpapalakas ng kanilang kakayahan sa pagharap sa hamon sa seguridad at sa pagtuloy na pagtiyak sa kaligtasan ng mga residente ng Zamboanga City.
Comments