1,000 bigas at 1,000 food packages, hatid ng Project TABANG sa mga residente ng Guindulungan, Maguindanao del Sur bukod pa sa libreng serbisyong pangkalusugan at libreng gamot
- Diane Hora
- Jan 29
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinasa ng Project TABANG ang medical outreach program sa mga residente ng Barangay Macasampen, Guindulugan, Maguindanao del Sur, a-27 ng Enero.

Ito ay sa pangunguna ng Access to Health Opportunities, and Development AHOD, ng Health Ancillary Services ng programa.

Namahagi ng libreng medisina at basic health care kits at nagsagawa ng free consultations, dental services, free eye check-ups ang programa kung saan 405 na residente ang nakabenepisyo.

Tumanggap rin ang isang libong residente ng tig-25 kilos ng bigas at food packages sa ilalim naman ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB program.

Nakiisa sa outreach program ang 1st Guerrilla Brigade, Interim Base Command, Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF)-Planning Department ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Comments