Mga armas na nakumpiska, nasamsam, napasakamay at isinuko na bahagi ng Small Arms and Light Weapons Program ng gobyerno, iprinisenta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Matapos ang ceremonial signing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa Memorandum Order No. 36 na nagbibigay pahintulot sa National Amnesty Commission na mag-isyu ng Safe Conduct Passes para sa mga amnesty applicants na saklaw ng proclamation nos. 403, 404, 405, at 406 series of 2023-

Ininspeksyon din ng Pangulo ang mahigit isang libong mga armas na iprinisenta ng 6th Infantry Kampilan Division at Joint Task Force Central ng Philippines.

Ang mga ito ay nakumpiska, napasakamay, isinuko at bahagi ng Small Arms and Light Weapons program ng gobyerno mula calendar year 2024-2025.

Nakipag-usap din ang Pangulo sa mga sundalo ng Kampilan Division ng Philippine Army.



Comments