1 babae, patay 1 sugatan matapos barilin ang mga ito habang sakay ng motorsiklo sa Quezon Avenue, Rosary Heights 2, Cotabato City
- Teddy Borja
- Feb 13
- 1 min read
iMINDSPH

Dead on arrival sa pagamutan si Almira Usman, 27-anyos, residente ng Bagua 2, Cotabato City, ayon sa report ng Police Station 1, Cotabato City.

Sugatan naman at nagpapagaling sa ospital si Jane Palileo, residente ng Rosary Heights 12 ayon sa report.
Binaril ang mga biktima habang sakay ng motorsiklo alas 3:40 ng hapon sa Quezon Avenue, Cotabato City.
Ayon sa otoridad, sakay din ng motorsiklo ang mga suspek.
Tinamaan sa likod at kaliwang kamay si Usman habang sa likod naman ang tama ni Palileo.
Blanko pa ang otoridad sa motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga may gawa ng krimen.
Tatlong basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa caliber 45 ang natagpuan sa crime scene
Comments